Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihanng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.Pasensyaka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungangtumayo,
katulad ng pag-aalalay ko saiyo noong nag-aaral ka pa lamanglumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulitna parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulitmo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuhaang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan,huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa?pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas,ako'y masungit, dala na marahil ito ngkatandaan. Pagtanda mo, maiintindihanmo rin.
Kapag may konti kang panahon,magkwentuhan naman tayo, kahit sandalilang. Inip na ako sa bahay, maghapongnag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan atintindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'ymagkakasakit at maratay sa banig ngkaramdaman, huwag mo sana akongpagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,pagtyagaan mo sana akong alagaan samga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...dahil naging mapagmahal ka sa iyongama't ina...
Written by Rev. Fr. Ariel F. RoblesCWL Spiritual Director
St. Augustine ParishBaliuag, Bulacan
" Paki forward na lang... hindi para mang-SPAM , para malaman nating lahat ang halaga ng mga magulang natin..
NICE!!!! Para sa inyo ito mga anak ko . . .
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment